Linggo, Setyembre 5, 2010

et cetera

Ang metaphor daw ang nagpapabago sa perception ng mundo, batay sa Comm1 class namin. Oo nga naman. It is true that metaphor makes common and ordinary things look unusual and unfamiliar. Ang galing, ‘di ba? Nagiging creative ang mga expressions natin kapag gumagamit tayo ng figurative language. Ewan ko ba kung bakit ko napasok ang topic na ito. Kapag sinabi kong wala lang, grabe, parang napakawalang kwenta ko namang tao. Ito siguro ang nagagawa ng literature sa buhay ko. Adiktus kasi ako sa pagbabasa at pagsusulat ng kung anu-ano. Nasa DNA ko yata ang pagiging isang booklover, kaya nga siguro naging Vice President ako ng Booklovers’ Club sa school nung fourth year ako. Mayroon nga tayong kasabihan na, “Booklovers never go to bed alone.” Hehehehehe… Huwag kayong gree-minded diyan. Siyempre bago matulog, libro ang hawak kaya nabuo ang konseptong ito. At dahil nga sa kababasa, nakakatulugan na nga ang interesanteng binabasa ng adiktus cactus na iyon kaya ganun. Getch?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento