Linggo, Setyembre 5, 2010

raison d'être

Bakit ba ako nabuhay sa mundong ito? Ito na naman ang dakilang tanong na bumabagabag sa akin. Ewan ko ba, pero kapag trip kong magnilay-nilay, magbulay-bulay, in short, mag-isip-isip ng kung anu-anong mga bagay-bagay, ito talaga ang pumapailanlang sa alapaap na para bang kabuteng bigla na lang sumulpot at pinitas para ipangsahog sa ulam. Miski sa pagsusulat ko, parang ito lang talaga ang tanong na hindi ko masagot-sagot. Eto talaga ang masayang gawin, ang sagutin ang tanong na wala namang kasagutan. Ang saya, ‘di ba?

Sabi nga nila, lahat tayo ay may mahalagang misyon na dapat gawin kaya kapag namatay ka na, ibig sabihin, tapos mo na ang misyon mo. Eh ang tanong, ano ba ang misyon ko sa mundong ito? Malamang hindi ko alam. Kasi kung alam ko, eh ‘di sana hindi na ako nagtatanong. Ohaah! Ohaah!

Wala namang tiyak na kagula-gulantang na kasagutan sa tanong kong ito. Alam ko meron din namang iba diyan na ganito din ang tinatanong at sinasabi nila sa sarili nila. Ano pa man ang purpose of my existence in this infinite universe, saka ko palang iyan malalaman. Hindi naman ako diyos para sabihin sa lahat na kaya ako nabubuhay ay dahil sa chenez chuva eklavu whatever. Saka ko na lang muna siguro iisipin ito.

*The search for the true meaning of one’s existence is a lifetime journey. We may not know it today, or tomorrow, but there will come a time that we’ll realize that we’ve done our part in accordance to God’s will.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento