Linggo, Setyembre 5, 2010

peter out

Feelings are ephemeral. Nothing lasts. We need to accept the fact that the only thing that is constant is change. Kaya naman nung banas na banas na ako, puro tama na lang ang nasusulat ko. Pati punctuation marks, nakalimutan ko ng ilagay. Wala akong pakialam kahit sabihin niyo pa na walang kwenta ‘to. Kaya pwede ba, tama na…

Tama Na

Ang tagal ko nang nasasaktan
Kaya ngayo'y nais kitang limutin
Ang pag-asa ko ay nasaan
Wala naman kaya isip na ang susundin

Bakit ba ako'y gulong-gulo
Na para bang ako ay nahihilo
Hindi ko naman magawang tumahimik
Ngunit ako'y wala pa ring imik

Tama na
Hindi ko na kakayanin pa
Tama na, tigilan na
Ako'y nagsasawa na

At kahit na anong aking gawin
Ika'y patuloy pa ring mamahalin
Abot langit ang aking dalangin
Na pag-ibig ko sana'y damhin

Pero ngayo'y wala na
Puso ko ay manhid na
Hindi mo na mababago pa
Ang katotohanan na tapos na

Tama na
Hindi ko na kakayanin pa
Tama na, tigilan na
Paalam na…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento