Linggo, Setyembre 5, 2010

reminiscence

Fourth year pa nang maisulat ko ‘to. Nakakatawa ‘yung rason kung bakit, pero kapag naaalala ko kung bakit ko ba naisulat ito, naisip ko, ganun ba talaga ako? Napaka-unpredictable ko…

Nabasa ko na magkakaroon ng compilation project ang Manila Collegian. Pwede mong ipasa ang kahit anong literary work mo. Nung time na iyon, nakatago lang kung saan ung omnibus ko kaya hinanap ko kaagad. Tapos in-email ko ‘yung mga tula ko. Buti na lang medyo napansin ito… Hehehe… Siyempre natuwa ako nang makita kong nakasama pala ang gawa ko. Aaminin ko, kinilig ako ng basahin ko ang sarili kong tula na naka-published sa Waywaya. Nakakatuwa talaga. Gusto ko nga sanang ipabasa kay Mamzy kaso wala siya, saka medyo nahihiya rin ako eh. Pero kahit papaano, naibahagi ko pa rin sa iba ‘yung gusto kong ibahagi. Sobrang thankful talaga ako…

First Dance

Hindi mo ba naririnig
Ang tangi kong hiling?

Masaya ako dahil ikaw ang kapareha ko
Ngunit sadya yatang masaklap ang mundo
Parang hindi pinagtatagpo ang ating mga puso
Iba ang gusto mo,
Ikaw ang gusto ko.

Iba ang damdamin ko kapag ikaw ang kasayaw
Parang walang problema sa mundong ibabaw
Kasiyahan mo ba'y aking inaagaw?
Bakit kalungkutan ang nangingibabaw?

Kay tagal kong naghintay para lang sa 'yo
Ngunit iba talaga ang takbo ng isip mo;
Ang tangi kong hiling
Hindi man lang pinansin.

Hindi mo ba nahalata ang malungkot kong himig
At sa bawat pangangatal ng aking tinig
Habang sinasabi kong "Ayos lang"
Ay halos ayaw kitang pawalan?

Talaga bang manhid ang kaloooban mo
Kaya hindi mo marinig ang tinig ko?
Ikaw lang ang nasa isip ko
Kahit alam kong iba ang nasa puso mo.

Wala ka ba talagang pakiramdam?
Hindi man lang napansin ang tangi kong nararamdaman
Na sana, ikaw,
   ang first crush ko,
         ang first love ko,
               ay ang first dance ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento