Linggo, Setyembre 5, 2010

joie de vivre

Beauty undefined… Undefined beauty… Beauty is undefined… What is beauty nga ba? ‘Di ba, beauty is relative, so it depends on the observer, parang motion sa physics. Hindi ko nga maintindihan kung bakit may mga taong vain, parang girls, tapos may mga taong obsessed sa pagpapaganda. ‘Yung iba naman napaka-conscious when it comes to beauty.

Usapang tae na ito. Abstract kasi ang beauty eh. Napaka-intangible nito. Siyempre para sa akin, ganito-ganyan ang beauty. Iba-iba naman ang views ng bawat isa tungkol dito. Hindi ko naman masasabing ito ‘yung definition ng beauty oh, kasi hindi naman ako maganda (talented lang), at alam ko ‘yon, pero may mga ka-echosan din naman akong notion sa beauty. Hahaha…


  1. Simplicity is beauty. Ito ang pambansang quote ng mga taong hindi ma-define kung ano ba talaga ang beauty (ako ‘ata ‘to ah). Sa get-up, mas maganda ‘yung simple lang pero comfortable ka. Nasanay lang kasi talaga ako na maganda ang lahat ng simpleng bagay. Pero kung hindi mo carry ang pagiging simple, eh ‘di magpaka-complicated ka. Hehehe… Sa pananalita rin, bakit ka pa magpapakahirap kung pwede mo namang sabihin ang mga bagay-bagay sa simpleng paraan. Ang dami pa kasing ka-echosan eh...


  1. Beauty is having a blooming personality. Kasi kapag maganda ang personality mo, magre-reflect ‘yan sa face mo, pati aura mo gaganda rin. Parang hidden talent ito na kailangan mong i-express. Kahit hindi ka gano’n kaganda, kung may positive outlook ka naman sa buhay, feel mo maganda ka na rin at ang lahat ng nasa paligid mo. Maganda ka nga, pangit naman ‘yung ugali mo, wala rin…


  1. Be true to yourself and you’ll be beautiful. Ang galing ‘di ba? Dapat ipakita mo kung sino ka talaga--- kikay, emo, rocker, punk, hiphop, nerd, bully, pa-cute, and the likes. Kasi ‘yung mga kaibigan mo, tatanggapin ka nila kung ano ka talaga. Kung malalaman ng mga tao ‘yung true self mo, makikita nila na you’re special at magsa-shine ang inner beauty mo. At siyempre, kapag ipinapakita mo ang tunay na ikaw, wala ka ng poproblemahin pa saka magiging confident ka or tataas ang self-esteem mo but not to the point of being egoistic, okay?

Ayan lang ang mga naisip ko eh. Siguro next time madadagdagan pa ‘yan, kasi parang in-extract ko lang ‘yung mga thoughts ko about beauty based on my understanding. Ang echos ko talaga. Tunay ngang afo ako ni Lowla Fatowlah. Hahaha…

Ay meron pa pala. 4) All of us are beautiful in our own ways. Hoothoot! Ayun ‘yung banat eh, kaya kahit isipin mong ikaw na ang pinakapangit sa balat ng lupa at Allium cepa, wala pa ring kwenta ‘yan. Kaya nga unique tayo, ‘di ba? May mga taong magkakagusto sa atin at mamahalin tayo because they found something special and beautiful sa atin. Hindi lang ang mga magagandang nilalang ay ang may karapatang lumigaya at makamit ang mga aspirations nila noh, ano sila, hilo? Sila lang ba ang mga anak ng Diyos? Kapag may nagsabing oo, iharap niyo siya sa akin at tatanggalan ko siya ng butas ng ilong. Imaginary pala ah, baka gusto niyang maging imagination na lang siya. Ayusin niya buhay niya. Hahaha… Joke lang. Pwede na siguro ito…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento