Nabasa ko ulit ‘yung unang omnibus na ginawa ko. September 4, 2009 pa nga ang date ng matapos ko iyon eh. Siyempre masaya ako, kasi iyon talaga ang sign na may pag-asa akong maging writer someday. Passion na kasi ang pagsusulat para sa akin.
Nung una, hindi ko alam kung bakit ba Mafia’s Tears ang title ng compilation ko na ‘yon. Para bang instinct lang na iyon ang gawin kong title. Pero na-realize ko rin na bagay naman talaga iyon kasi marami akong gustong ibahagi sa mundo. Gustong-gusto ko talagang ibinabahagi ang sarili ko. Napakasarap sa pakiramdam… Ayon nga sa kantang ‘Iris’ ng Googoo Dolls, “I just want you to know who I am.” Ang lupit, ‘di ba? Minsan, sa kabila ng mga ngiti ng isang tao, naroon pa rin ang pain. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nakangiti tayo, parang ako. Tao din naman kasi ako noh, marunong makiramdam at makaramdam. Lahat naman tayo ay may hinanakit sa buhay eh, kaso hindi naman natin pwedeng sisihin ang iba. Tulad na lang ng sa case ko, marami akong pinanghihinayangan sa buhay ko, marami akong tinatanong, marami akong nirereklamo. Pero ano naman ba ang magagawa ko kung ganito ako? Thankful na ako dahil normal naman ako, ‘yun nga lang, may mga imperfections ako. Nakaka-frustrate. Grabe. Kaya sabi ko, kaysa naman sa ma-frustrate lang ako sa sarili ko, tanggapin ko na lang kung ano at sino talaga ako.
Marami sigurong hindi nakakaalam na may hearing problem ako. Oo, bingi ako. Hindi nakakarinig ang kaliwang tainga ko. Kaya minsan, ‘pag may kumakausap sa akin, alam kong may sinasabi siya, nakakaramdam ako ng vibrations, pero hindi ko pa rin maintindihan kung ano bang sinasabi niya. Sinusubukan kong basahin ang bawat galaw ng mga labi nila, pero hindi ko pa rin nauunawaan ang kabuuan ng mensahe. Naiinis nga ako sa mga taong pinagtatawanan ako, sa mga taong sinisigawan ako sa likuran at hindi ko napapansin, at pagkatapos ay sasabihan ako ng, “Hoy! Ang bingi mo naman! Kaniona pa kita tinatawag!” Gusto ko silang sapakin. Wala naman kasi silang alam eh. Hindi naman nila alam ang pakiramdam na maging limitado lang ang kakayahan mo sa pagdinig ng kung anu-ano. Hindi naman nila alam ang pakiramdam kung paano maging isang bingi. Oo, nakakarinig pa naman ako, pero hindi tulad ng iba. Maraming hindi nakakaalam na minsan, mas naririnig ko pa nga ang mga bagay na hindi naririnig ng mga normal na tao, na mas naririnig ko pa ang mga bagay na hindi sinasabi ng bibig kung ‘di binubulong ng puso…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento