Linggo, Setyembre 5, 2010

umbrage

Kailangan ko ng magbago. Punong-puno na ng bitterness ang buhay ko. Nung mga panahong akala ko babagsak na ako, hindi ko namalayan na nakagawa na pala ako ng tula. Dapat na talaga ako magseryoso sa pag-aaral ko. Baka maapektuhan pa ang scholarship ko. Ang hirap naman kasing mabuhay. Ang mga simpleng bagay, nagiging komplikado. Ewan…

Panibugho

Bakit ba ako’y ganito?
Ni hindi matarok ang nais ng puso
Ang langit nga’y ‘di maabot
Miski ang dagat nagkulay dugo.

Pangarap ko’y parang lumulubog
Tulad ng araw ng ating mundo
Planeta’y ‘di titigil, patuloy na iinog
Kahit pa ang luha ko’y biglang bumugso.

Ako’y nabuhay para mag-aral
Ng mga bagay na aking kailangan
Ngunit ako’y nag-aaral din para mabuhay
Dahil kung hindi, ako’y walang kahihinatnan.

Nasanay ako sa simpleng pamamaraan
Kung saan ang pag-ibig ay laging nananahan
Bagay-bagay ay gagawin nang marahan
Upang sa huli ay ‘di pagsisihan.

Diyos ko, Diyos ko, bakit ako’y iyong pinabayaan
Si Hesus, ganito, ang kanyang tinuran
Oble, Oble, bakit ka ganyan ?
Ako naman sana ay iyong pakapakinggan.

Sa puso ko’y may kumakatok
Kapag binuksan ay parang puputok
Kay pait ng nagkubling paghihimutok
Dibdib ko’y waring pinupukpok.

Kapag UP ka daw, ikaw ay panalo
Sa iba ay hindi basta-basta patatalo
Kasiyaha’y nag-aalab na parang sulo
Ngunit sa dulo ika’y mapapaso.

Kaya sa lahat, ating alalahanin
Passing is one, surviving is another
Tigilan na natin ang pagbabanjing-banjing
‘Pag nagkataon, ‘di na tayo makakatambling.

Kapag nakakalimutan kong maging responsable, inaalala ko ‘to. Mas madalas kasing tinatamad akong mag-aral kaysa sinisipag. Nakakainis! Pero dahil nag-promise ako kay Mamzy na ga-graduate ako on-time, tutuparin ko ‘yon. Sana kayanin ko ‘to…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento