Ako’y abutin, ‘pagka’t ako’y nakabitin
Sa isang bangin na pagkalalim-lalim
Nanginginig, natatakot, sa baba’y ‘di makatingin
Daing ko’y dinggin, at ako’y iyong sagipin.
Sa tabi’y may orkidyas, matatag na nakakapit
Nais ko sanang kunin, nang sa pag-aho’y may bitbit
Ngunit hindi ko na kaya kung may iba pang sukbit
Hayaan na ito, mabuhay nawa ng marikit!
Bilisan mo na’t ako’y nangangalay
Kunin mo na bago pa bumigay
Kanina pa lupaypay ang pusong naghihintay
Sa ‘yo ba’y buhay ko’y wala ng saysay?
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinhahaha.... Can I pick you? hahaha.... wag na pla... alam ko namang si turtwig lang ang pwede.... XD
TumugonBurahin